Water sampling isinagawa sa katubigan ng Pasay City, Cavite, Bulacan, at Bataan kasunod ng paglubog ng oil tanker sa Limay

Water sampling isinagawa sa katubigan ng Pasay City, Cavite, Bulacan, at Bataan kasunod ng paglubog ng oil tanker sa Limay

Nagsagawa na ng water sampling sa katubigan ng Pasay City, Cavite, Bulacan, at Bataan para matukoy naapektuhan ito ng oil spill dulot ng lumubog na oil tanker sa bayan ng Limay.

Ayon sa update mula sa Philippine Coast Guard (PCG) ang University of the Philippines Marine Science Institute (UPMSI) ang nasagawa ng water sampling kung saan titignan kung mayroong physical at chemical properties sa katubigan ng mga nabanggit na lugar.

Nagpapatuloy naman ang recovery operations sa ground zero kung saan lumubog ang MT Terra Nova.

Ang kinontratang salvor na Harbor Star Shipping Services Inc. ay nagsagawa ng diving operation para matakpan ang 24 na valves ng tanker upang maiwasan na ang patuloy pa na pagkalat ng langis.

Idineploy naman ng PCG ang BRP Boracay (FPB-2401) at BRP Malamawi (FPB-2403) para tumulong sa provincial government ng Bataan sa pagsasagawa ng after-sea survey. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *