Halaga ng pinsala ng bagyong Carina at Habagat sa pananim at livestock, umabot na sa P1.17B

Halaga ng pinsala ng bagyong Carina at Habagat sa pananim at livestock, umabot na sa P1.17B

Umabot na sa P1.17 billion ang halaga ng pinsala ng bagyong Carina at Habagat sa mga pananim at livestock.

Ayon sa datos ng Department of Agriculture (DA), umabot na sa 40,904 na magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo at pagbaha sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western at Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen at Caraga.

Sinabi ng DA na umabot sa 10,272 metric tons na pananim na palay ang nasira na nagkakahalaga ng mahigit P660 million.

Mayroon ding naapektuhan na mahigit 5,500 na alagang hayop na nagkakahalaga ng P1.32 million. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *