Amerika nagpaabot ng pakikiramay sa Pilipinas matapos ang pananalasa ng bagyong Carina at Habagat
Nagpaabot ng pakikiramay ang dalawang mataas na opisyal ng Amerika sa Pilipinas sa mga nasawi sa bagyong Carina at Habagat.
Sa pagbisita sa Malakanyang, sinabi ni US Secretary of State Anthony Blinken kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na handa ang Amerika na tumulong sa Pilipinas kung ano man ang kinakailangan.
“Let me just start by sending our deepest condolences to all the victims of the recent typhoon, and to say again, anything we can do to be of assistance, we welcome doing that,” pahayag ni Blinken.
Sinegundahan naman ito ni Defense Secretary Lloyd Austin at sinabing nakikisimpatya ang Amerika sa Pilipinas.
Nasa 36 katao ang nasawi dahil sa bagyo at Habagat.
Nasa bansa ang dalawang opisyal para sa 2+2 Ministerial Dialogue.
Isang intelligence-sharing agreement ang nilagdaan ng dalawang bansa.
Lumagda sa kasunduan sina Blinken, Austin at Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Defense Secretary Gilbert Teodoro. (CY)