DOH may paalala sa mga residente sa lugar na apektado ng oil spill

DOH may paalala sa mga residente sa lugar na apektado ng oil spill

Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga residente sa mga lugar na apektado ng oil spill sa posibleng masamang dulot nito sa kanilang kalusugan.

Ayon sa DOH, maaari itong magdulot ng hindi maganda sa kalusugan ng publiko sa pamamagitan ng direktang physical contact, contamination, epekto sa food sources, at maaari ding magkaroon ng epekto sa reproductive health.

Paalala ng DOH, tiyakin na ang mga bata ay malayo sa mga apektadong lugar.

Dapat ding maglagay ng warning signs sa mga apektadong lugar para paalalahanan ang publiko.

Tiyakin ang pagkakaroon ng malinis na inuming tubig.

Dapat ding tiyakin na malinis at ligtas ang lahat ng pagkain pati na ang mga ipinakakain sa mga alagang hayop.

Kung na-expose sa oil spill, dapat agad magsagawa ng decontamination, hubarin agad ang damit at sabunin at hugasan ang apektadong bahagi ng katawan.

Agad ding magpakonsulta sa doktor kung nakaranas ng sintomas na may kinalaman sa pagkaka-expose sa oil spill. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *