Inter-agency task force binuo para tugunan ang Bataan oil spill

Inter-agency task force binuo para tugunan ang Bataan oil spill

Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na binuo ang isang inter-agency task force upang pagsasama-samahin ang kaukulang mga hakbang at magpapagaan sa containment measures upang tugunan ang oil spill sa Lamao Point, Limay, Bataan.

Nilikha ang task force matapos ang pulong ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)-Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) sa San Fernando City, Pampanga kahapon.

Ayon kay Abalos, nagbigay ng direktiba ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng concerned national government agencies upang bigyan ng kaukulang suporta ang mga apektadong LGUs gamit ang mga aral mula sa mga karanasan sa Oriental Mindoro oil spill.

“Tutulong po ang lahat, kaya andito ang national government agencies upang paghandaan natin ito paano i-contain itong langis na ito. Ang dapat nating paghandaan, gaano karami ang langis na ito? Ito ba ay masa-salvage, ilang litro ang naiwan nito,” sabi ni Abalos.

Binubuo ang task force ng DILG; Office of Civil Defense (OCD); Department of Environment and Natural Resources (DENR); at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kasama rin ang provincial government units ng Bataan at Bulacan; LGUs ng Parañaque, Las Piñas, Pasay, Manila, Navotas, at Cavite.

Ang Motor Tanker Terranova na pagmamay-ari ng Shogun Ships Company Incorporated ay lumubog nitong Huwebes na may kargang 1.4 million liters ng industrial fuel oil sa 3.6 nautical miles o palibot ng pitong kilometro sa silangan ng Lamao Point.

“Let us all be prepared for the worst, dapat handa po tayo at maisama natin sa pag-factor ang bagyo, current, at etc,” ani Abalos.

Siniguro ni Abalos na ang inter-agency task force ay kikilos ng may konkretong aksyon at magbibigay ng regular reports upang bigyan ng impormasyon ang publiko kaugnay sa estado ng oil spill cleanup at containment. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *