DepEd Sec. Angara nag-inspeksiyon sa paaralan sa Muntinlupa City
Ininspeksiyon ni Department of Education Secretary Sonny Angara ang Muntinlupa National High School (MNHS) sa unang araw ng klase para sa school year 2024-2025.
Sinamahan ang kalihim nina Mayor
Ruffy Biazon at Cong. Jimmy Fresnedi sa isinagawang pag-iikot sa loob ng naturang paaralan.
โ๐๐ฆ ๐ธ๐ข๐ฏ๐ต ๐ต๐ฐ ๐ฃ๐ถ๐ช๐ญ๐ฅ ๐ธ๐ฉ๐ข๐ต ๐บ๐ฐ๐ถ ๐ฉ๐ข๐ท๐ฆ ๐ฉ๐ฆ๐ณ๐ฆ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฎ๐ข๐ด ๐ฅ๐ฆ-๐ฌ๐ข๐ญ๐ช๐ฅ๐ข๐ฅ ๐ฑ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ถ๐ฌ๐ถ๐ฉ๐ข ๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ช๐ฏ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ค๐ฐ๐ฎ๐ช๐ฏ๐จ ๐บ๐ฆ๐ข๐ณ๐ด, โ pahayag ni Sec. Angara.
โWeโre very pleasantly surprised with how smooth things run here. Sa ibang pinuntahan namin double shift. Ma-swerte po ang mga students dahil number one, unified ang political leaders dito, ang beneficiaries ng taong bayan. At secondly, very helpful ang city government and the national government to partner, dapat ganon para umunlad ang isang school district,โ ayon kay Sec. Angara.
Kasamang nag-ikot sa MNHS sina DepEd Usec. Revsee Escubedo, Deped RD-NCR Joyce Andaya, SDO Muntinlupa City Head Dr. Violeta Gonzales, at MNHS Principal Dr. Florante Marmeto.
โSyempre nagpapasalamat tayo kay Sec. Angara, and we thank him visiting Muntinlupa. Pero syempre yung ating determination about sa education push us to closer engagement with the Department of Education and Cong. Jimmy Fresnedi kasi tulad nga ng sabi ni Sec. tulungan. At alam nyo ba nung time ni Cong. Jimmy as Mayor ay binigyan ng prioritization ang education at sinuportahan ko naman as Congressman. Yung collaboration na ito ay talagang may resulta,โ saad ni Mayor Ruffy Biazon.
โItaas natin ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Nakikita ko na dito sa Muntinlupa medyo angat na, thanks to your leaders, thanks to your principals, superintendents, and teachers here,โ dagdag ni Sec. Angara. (Bhelle Gamboa)