‘Magsasakang Reporter’ kinilala bilang Asia’s Most Versatile and Promising TV Host on Agriculture

‘Magsasakang Reporter’ kinilala bilang Asia’s Most Versatile and Promising TV Host on Agriculture

Ginawaran ng Asia’s Most Versatile and Promising TV Host on Agriculture, Reporter, Columnist and Vlogger of the year si Mer Layson na lalong kilala sa tawag na Magsasakang Reporter na dating Presidente ng Manila Police District Press Corps (MPDPC).

Ang parangal ay ibinigay kay Layson, sa isinagawang 9th Asia Pacific Luminare Awards sa Ballroom Heritage Hotel, Pasay City.

Kinilala ng Asia Pacific Luminare ang malaking ambag ni Layson sa larangan ng Agrikultura hingil sa pagpapalaganap ng Urban Gardening at Organic Farming sa bansa.

Si Layson ang siyang host ng Masaganang Buhay na napapanood sa OnePH Cignal TV at RPTV ng TV-5 tuwing araw ng Linggo.

Kolumnista at Reporter rin si Layson ng Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Group of Publication na nagbibigay ng mga simple at kapaki-pakinabang na tips sa pagtatanim sa iba’t-ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng Organikong pamamaraan.

Isa ring vlogger si Layson na may mahigit sa kalahating milyon ang Subscribers sa Youtube at umaani ng milyun-milyong views ang kanyang content na pagtuturo ng pagtatanim ng mga green leafy vegetables, fruit bearing trees at iba pang halaman.

Maging sa Facebook at Tiktok ay ibinabahagi ni Layson ang kanyang adbokasiya sa Urban Gardening in a plastic bottle.

Si Layson ay isang Magsasaka, tubong Mexico Pampanga. Ang pagtatanim at pagsasaka sa probinsiya ay kanyang dinala sa hanggang sa Metro Manila.

Una na ring ginawaran si Layson bilang Most Oustanding Farmer of the Philippine ng TOFARM at BCYF Foundation, gayundin ang Galing Pinoy ng DOST at FISPC.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *