Panawagan ni Sen. Tolentino, ibalik ang mandatory ROTC
Muling binigyan ng halaga at mas lalo pang paiigtingin ni Senator Francis Tolentino ang Mandatory ROTC na inaasahang maibalik muli ito sa mga Universities and Colleges hindi lang bilang optional kundi magiging mandatory na.
Ginawa ang naturang pahayag sa panayam ng mga mamahayag sa ginanap na Miss ROTC 2024 sa Tagaytay Sports Complex nitong araw ng Sabado, July 27, 2024.
Layunin ng kanyang pagpupursige upang maibalik sa pagiging disiplinado at upang hindi ma-engganyo ang mga estudyante sa mga gawaing terorismo.
Ayon kay Tolentino, malaking tulong ang ROTC lalo na pagdating sa sakuna at pang seguridad ng ating bansa.
Dumalo rin si Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa bilang pagpapakita ng suporta sa naturang aktibidad.
Umaasa naman ang mga Senador na kakatigan ito ng madaming bilang ng kanilang mga kasamahan sa mataas na kapulungan dahil malaking tulong ito sa bawat campus.
Si Senator Tolentino ang tinaguriang Father of ROTC kaya’t binigyan n’ya ng halaga at kakaibang konsepto ang pagbibigay halaga nito na isinagawa nila ang Miss ROTC upang lalo pang mahikayat ang mga kabataan na makilahok at magkakaroon ng interes sa ganitong aktibidad.