Pagbubukas ng klase sa mga paaralan na labis na nasalanta ng pagbaha, maaantala – Angara

Pagbubukas ng klase sa mga paaralan na labis na nasalanta ng pagbaha, maaantala – Angara

Maantala ang pagbubukas ng klase sa mga paaralan na labis na nasalanta ng pagbaha.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Sec. Sonny Angara, kailangang ipagpaliban ang school openings sa mga eskwelahan na matindi ang tinamong pinsala bunsod ng pag-ulan at pagbaha na dulot ng bagyong Carina at Habagat.

Ayon kay Angara, ilalabas ng DepEd ang listahan ng mga eskwelahan na ipagpapaliban ang pag-uumpisa ng klase.

Ito ay para mabigyang pagkakataon pa ang mga paaralan na makapaglinis at maiayos ang mga nasirang gamit dahil sa pagbaha.

“Hindi namin pipilitin yung mga nasalanta talaga at mahihirapan sa school opening ng Lunes,” ayon kay Angara.

Tuloy naman aniya ang pagbubukas ng klase sa Lunes, July 29 sa mga paaralan na hindi gaanong nagtamo ng pinsala. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *