Pangulong Marcos mahigpit ang bilin sa mga ahensya ng gobyerno na bilisan ang pagtugon sa mga naapektuhan ng pagbaha
Muling nagpatawag ng situation briefing si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para matiyak ang mabilis na pagtugon sa mga naapektuhan ng Habagat at Bagyong Carina.
Inatasan ng pangulo ang Department of Health (DOH) na magpadala ng medical teams sa mga evacuation center.
Binigyan rin ng direktiba ng pangulo ang mga ahensya na magbigay ng detalyadong ulat ng lahat ng apektadong rehiyon, at siguruhin ang paghahatid ng agarang tulong sa mga nasalanta.
Nag-inspeksyon din ang pangulo sa Navotas Navigational Gate at inalam din ang kalagayan ng mga residente sa nasabing lungsod.
Nasira ang navigational gate ng Navotas na nagsisilbi sanang barrier kapag mayroong high tide.
Kabilang ang Navotas sa nakaranas ng matinding pagbaha noong Miyerkules, July 24. (DDC)