Coast Guard nagpadala ng tatlong barko para sa oil spill response operations sa Bataan
Nagpadala ng tatlong barko ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa isasagawang oil spill response operations sa Bataan matapos ang paglubog ng taker na may kargang industrial oil.
Ayon kay Commandant, CG Admiral Ronnie Gil Gavan, idineploy ang tatlong 44-meter multi-role response vessels (MRRVs) kasunod ng paglubog ng Motor Tanker (MT) Terra Nova sa Lamao Point, Limay, Bataan.
Sinabi ni Gavan na maglalagay ng oil dispersants ang mga barko ng PCG sa apektado ng oil spill.
Nagtakda ang PCG ng pitong araw para matapos ang siphoning o pagsipsip sa langis mula sa lumubog na tanker.
Ayon kay PCG Spokesperson, CG Rear Admiral Armando Balilo, walang nakataas na Public Storm Warning Signal (PSWS) sa Bataan nang umalis ang MT Terra Nova mula sa Limay, Bataan dalawa ang 1.4 million liters ng industrial fuel oil (IFO).
Sinabi ni Balilo na tinatayang nasa 34 meters deep lamang ang lalim ng barko kaya hindi gaanong magiging mahirap ang siphoning operations.
Nakikipag-ugnayan na din ang PCG sa iba’t ibang Oil Spill Response Organizations (OSRO) na nagpaabot ng intensyon na tumulong sa operasyon.
Nangako ding tutulong ang ang mga oil company, PCG Auxiliary (PCGA), at LGUs. (DDC)