Mga makararanas ng sintomas matapos ang malawakang pag-ulan at pagbaha, pinayuhang tumawag sa libreng Telekonsulta ng DOH
Bukas ang libreng Telekonsulta ng Department of Health (DOH) para sa mga magkakasakit dahil sa paglusong sa tubig-baha.
Ayon sa DOH, bukas ang libreng Telekonsulta araw-araw mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
I-dial lamang ang Hotline Number na 1552 at Press 2.
Pinayuhan ng DOH ang mga makararanas ng sintomas na agad magpakonsulta lalo kung sila ay:
• Lumusong sa posibleng kontaminadong tubig, putik, o lupa • Nakakain o nakainom ng pagkain o tubig na maaaring nakontamina ng hayop na may sakit
• O may iba pang sintomas matapos maulanan o ma-expose sa kontaminadong tubig (DDC)