Code Blue Alert itinaas ng DOH sa mga rehiyon na labis na naapektuhan ng pagbaha

Code Blue Alert itinaas ng DOH sa mga rehiyon na labis na naapektuhan ng pagbaha

Itinaas ng Department of Health ang Code Blue Alert sa mga rehiyon na naapektuhan ng matinding pagbaha dahil sa bagyong Carina at Habagat.

Ayon sa DOH, nakataas ang Code Blue Alert sa Ilocos Region, Central Luzon, Metro Manila at Calabarzon.

Code White Alert naman ang umiiral sa Cagayan Valley at sa CAR.

Kabilang sa tututukan ng DOH ang kalusugan ng mga pamilyang namamalagi sa mga evacuation center sa mga apektadong rehiyon.

Mamamahagi ang ahensya ng CAMPOLAS Kits na naglalaman ng mga gamot at bitamina para sa mga evacuees.

Kasama sa mga ipapamahagi ay ang mga gamot sa hypertension at diabetes. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *