OVP nagpaliwanag sa paglabas ng bansa ni VP Sara Duterte sa kasagagan ng hagupit ng Bagyong Carina at Habagat
Nagpaliwanag ang Office of the Vice President (OVP) sa paglabas ng bansa ni Vice President Sara Duterte sa kasagsagan ng pag-ulan at pagbahag naranasan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
Ayon sa OVP, ang naturang biyahe ni VP Duterte ay personal trip kasama ang kaniyang pamilya.
Aprubado din umano ito ng Office of the President sa pamamagitan ng travel authority na inilabas noon pang July 9, 2024.
Ikinalungkot naman ng OVP na nataon ang biyahe sa paghagupit ng Bagong Carina at ng Habagat.
Sa kabila ng pag-alis sa bansa ng bise presidente, ang Disaster Operations Center ng OVP ay handa umanong umasiste sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.
Una ng kumalat ang larawan ni VP Duterte habang nasa airport at paalis umano patungong Germany. (DDC)