Tanker na may kargang 1.4M litro ng langis, lumubog sa Bataan

Tanker na may kargang 1.4M litro ng langis, lumubog sa Bataan

Isang Philippine-flagged Motor Tanker (MT) ang lumubog sa karagatang sakop ng Lamao Point, Limay, Bataan madaling araw ng Huwebes, July 25.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson, CG Rear Admiral Armando Balilo, lumubog ang MT Terra Nova ala 1:10 ng madaling araw.

Lulan ng tanker ang 1.4 metric tons o 1.4 million liters ng industrial fuel oil (IFO) at patungo dapat sa Iloilo.

Nailigtas ang 16 sa 17 crew na sakay ng barko, 4 sa kanila ang nasugatan.

Nagsasagawa naman na ng search and rescue operations ang BRP Melchora Aquino (MRRV-9702) para mahanap ang isa pang nawawalang crew ng barko.

Nagsagawa na din ng aerial survey ang Coast Guard Aviation Command para mtukoy ang pinsala ng oil spill na idinulot ng paglubog ng barko. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *