Water level sa La Mesa Dam mas mababa na sa spilling level nito
Bahagya ng bumaba ang water level ng La Mesa Dam matapos ang pag-apaw nito kahapon (July 24).
Ayon sa update mula sa PAGASA, umaga ng Huwebes, July 25, ang water level ng dam ay nasa 80.13 meters.
Mas mababa na sa spilling level nito na 80.15 meters.
Samantala, patuloy naman ang pagpapakawala ng tubig sa Ipo Dam na nasa 101.13 meters ang water level.
Ayon sa PAGASA, maaari pa ring maapektuhan ng pagpapakawala ng tubig sa Ipo Dam ang sumusunod na munisipalidad sa Bulacan:
Norzagaray
Angat
San Rafael
Bustos
Baliuag
Pulilan
Plaridel
Calumpit
Paombong
Hagonoy (DDC)