BREAKING: Metro Manila isinailalim sa state of calamity
Isinailalim sa state of calamity ang National Capital Region (NCR) bunsod ng pagbaha na naranasan sa maraming lugar dahil sa pag-ulan na dulot ng Habagat na pinalalakas ng Typhoon Carina.
Inanunsyo ito ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos.
Ang desisyon na magdeklara ng state of calamity sa NCR ay kasunod ng pulong ng Metro Manila Council (MCC) na pinangunahan ni Abalos.
Una ng nagpatawag ng situation briefing si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Camp Aguinaldo sa Quezon City para i-assess ang sitwasyon dahil sa nararanasang patuloy na malakas na buhos ng ulan.
Tiniyak ng pangulo na mayroong nakahandang P2.88 billion na halaga ng tulong ang pamahalaan at 4,500 na personnel para makapagsagawa ng search, rescue at retrieval operations. (DDC)