3 suspek arestado sa anti-crime ops sa Las Piñas City
Arestado ang tatlong suspek at nasamsam ang drug paraphernalia at baril sa maigting na anti-criminality operation ng Las Piñas City Police CAA Sub Station personnel,sa Barangay Pulanglupa Dos ng lungsod ayon sa ulat ng Southern Police District (SPD).
Ang mga suspek ay kinilalang sina alyas Carter, 47-anyos at alyas Emmanuel, 40-anyos,security guard, na kapwa nahulihan ng drug paraphernalia habang si alyas Roberto, 48-anyos, ay nakumpiskahan ng baril sa kabila na umiiral ang gun ban para sa ikatlong SONA ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos.
Nasamsam sa gitna ng operasyon ang aluminum foil, aluminum foil strip, unsealed transparent plastic sachet na may bakad ng umano’y shabu, disposable lighter, at Taurus Caliber 45ACP PT 1911 na mayroong serial number, magazine at apat na bala ng baril.
Nakatakdang sampahan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban kina alyas Carter at alyas Emmanuel habang paglabag sa RA 10591 a may kinalaman sa implementasyon ng gun ban ng SONA 2024.
Ang mga nakumpiskang ebidensiya ay itinurn-over sa Southern Police District Forensic Unit para sa analysis at ballistics examination. (Bhelle Gamboa)