Reprogramming at Community Projects, tinalakay ng Las Piñas Sanggunian sa 92nd Regular Session

Reprogramming at Community Projects, tinalakay ng Las Piñas Sanggunian sa 92nd Regular Session

Isinagawa ng Las Piñas Sanggunian sa pangunguna ni Vice Mayor April Aguilar ang kanyang ika- 92 na regular na sesyon na tumulakay sa iba’t ibang panukala na naglalayong mapabuti ang kapakanan ng komunidad, mga usaping pangangasiwang pinansiyal at pagpapaganda ng pamamahala sa lokal.

Kabilang sa mga masinsinang pinag-usapan ang endorso ng Office of the City Mayor para sa panukalang reprogramming of unexpended balances mula sa Local Disaster Risk Reduction and Management Fund para sa taon 2024.

Muling pinag-aralan ng City Council ang isang ordinansa ng barangay na nagmumungkahi sa paggamit ng wheel clamps upang mahinto ang ilegal na pagpaparada ng mga sasakyan bilang tugon sa mga alalahanin sa trapiko sa lungsod.

Hindi rin kinalimutang talakayin sa sesyon ang taunang paglalaan ng mga ordinansa para sa Sangguniang Kabataan ng ilang barangay bilang pagpapakita ng konseho sa patuloy nitong pangako sa kabataan na kaunlaran at malapit na ugnayang pangkomunidad.

Ikinonsidera rin ng Las Piñas Sanggunian ang mga kahilingan sa pag-aalis ng penalties at interes ukol sa negosyo at pagsasalin ng mga buwis para sa ilang sa taxpayers upang mapagaan ang pinansiyal na pasanin ng mga residente.

Natapos ang sesyon ng konseho sa pagkakaloob ng otorisasyon sa alkalde ng lungsod na pumasok sa kontrata para sa Community-Based Monitoring System at aprubahan ang ilang mga panukala na nagbibigay-diin sa mapagtugon at maagap na pamamahala. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *