Ikatlong SONA ni Pang. Marcos ‘Generally Peaceful’ ayon sa NCRPO

Ikatlong SONA ni Pang. Marcos ‘Generally Peaceful’ ayon sa NCRPO

Inihayag ni National Capital Region Police Office, Regional Director, PMGen Jose Melencio C. Nartatez Jr. na ‘generally peaceful’ ang ikatlong record State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos, Jr.sa kabila ng potensiyal na panganib ng malawakang rali sa Metro Manila kahapon.

Ayon kay RD Nartatez ito na ang pinakapayapang SONA sa ngayon at ang matagumpay ring ikalawang SONA na kanyang tinutukan bilang pinuno ng NCRPO.

Mahigpit na minonitor ng puwersa ng NCRPO ang 7,510 na indibiduwal kabilang ang mahigit 3,010 na anti-Marcos protesters na maagang nagtipon ng alas- 6:00 ng umaga sa Tandang Sora Avenue, Quezon City. Ang mga nasabing grupo ay nagpumilit na ipahayag ang kanilang hinaing at nagdemand sa gobyerno.

Base sa patuloy na report ng sitwasyon mula sa dineploy na mga pulis sa Commonwealth Avenue, Quezon City, tinatayang 4,500 na tagasuporta ng pamahalaan ang naroon din sa lugar kung saan inihayag ang kanilang suporta sa nga programa ng kasalukuyang administrasyon.

Sinabi ni Nartatez na ang mga grupong ito na nagsagawa ng mga aktibidad ay sumunod sa sa nga polisiya at batas kung kaya idineklara niya ang kaganapan ngayong taon na ‘safe, peaceful, and orderly’ dahil walang naiulat na masamang insidente.

Samantala, binigyang-diin ng NCRPO chief na ang mga raliyistang nagsunog ng effigies ay mahaharap sa kaukulang legal na asunto dahil ang kanilang aksyon ay paglabag sa batas.

“We highly appreciate the cooperation of the numerous organizations and rally organizers who respected their limits, as well as the public as a whole. This cooperative spirit contributed to the smooth and peaceful outcome of SONA 2024,” sabi ni MGen Nartatez.

Pinuri ni Nartatez ang mga hakbang ng 23,996 na pulis-NCrPO at mga tagapagpatupad ng kapayapaan na nanatiling mapanuri at nagpatupad ng maximum tolerance sa kasagsagan ng kaganapan.

Nagpamalas aniya ng pinakamataas na uri ng disiplina ang mga pulis na nanghawak sa kanilang hanay sa kabila ng malalakas na ulan na sumubok ng kanilang katatagan at pangako.Ang kanilang hindi matatawarang dedikasyon ay sumiguro na mapanatiling maayos ang event na nagpapakita sa propesyunalismo at katatagan ng mga tagapagpatupad ng batas.

“The notable success of the event surpassed the effects of the previous year’s preparations. Your unwavering commitment to delivering comprehensive security coverage and a wide range of services throughout SONA 2024 exemplifies excellence,” PMGEN NARTATEZ added. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *