Bagyong Carina lumakas pa; Signal No. 2 nakataas ilang bahagi ng Batanes
Bahagya pang lumakas ang Typhoon Carina habang nasa bahagi ng Philippine Sea.
Ayon sa PAGASA ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 320km East Northeast ng Basco, Batanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 140 kilometers bawat oras at pagbugso na aabot sa 170 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong pa-hilaga.
Itinaas ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa sumusunod na lugar:
BATANES
– Itbayat
– Basco
– Mahatao
– Uyugan
– Ivana
Nakataas naman ang Signal No. 1 sa sumusunod a mga lugar:
– rest of Batanes (Sabtang)
– Cagayan including Babuyan Islands
– eastern portion of Isabela (Divilacan, Palanan, Maconacon, Dinapigue, Tumauini, Ilagan City, San Mariano, Cabagan, San Pablo, Santa Maria)
– northern portion of Apayao (Calanasan, Luna, Pudtol, Flora, Santa Marcela)
– northern portion of Ilocos Norte (Pagudpud, Bangui, Adams, Dumalneg, Burgos, Vintar)
– northern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran)
– Polillo Islands
– Calaguas Islands
– northern portion of Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto, Caramoran)
Ayon sa PAGASA, ang Habagat na pinalalakas ng bagyong Carina ay magdudulot din ng moderate to intense rainfall sa western portion ng Luzon ngayong araw hanggang sa Huwebes (Jul. 25). (DDC)