Cloud Rat nailigtas sa Rodriguez, Rizal
Isang Cloud Rat ang nailigtas sa Brgy. San Isido, Rodriguez Rizal.
Ayon sa Barangay Environment and Natural Resources Office – San Isidro, ang Cloud Rat ay naligaw sa Bahay ng isang residente sa bahagi ng Sitio Anginan.
Hindi naman nagdalawang-isip ang residente na agad itong dalhin sa barangay.
Ayon sa Barangay Environment and Natural Resources Office, ang Cloud Rat ay dinala na sa pangangalaga ng DENR-Protected Area and Management Office.
Sa ilalim ng Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act, ang paghuli at pag-aalaga sa anumang wildlife ay mahigpit na ipinagbabawal kung walang kaukulang permit. (DDC)