SPD nakakumpiska ng ₱5M ilegal na droga sa isang linggong operasyon
Umabot sa kabuuang ₱5,706,508 na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa katimugang bahagi ng Metro Manila sa inilabas na datos ng Southern Police District (SPD) nitong July 15-21.
Iniulat ng SPD ang matagumpay nitong kampanya kontra ilegal na droga matapos ikasa ang 51 operations na nagresulta ng pagkaaresto ng 71 na indibiduwal.
Ayon kay SPD Director BGen Leon Victor Rosete, sa gitna ng mga operasyon ng otoridad, nakumpiska ang 833.69 gramo ng shabu at 311.8 gramo naman ng marijuana.
“These impressive achievements underscore the effectiveness of our intelligence-driven strategy to eradicate anti-illegal drugs in the community,” sabi ni BGen Rosete.
Pinasalamatan ng SPD ang patuloy na suporta at kooperasyon ng komunidad.
“Together, we can build a safer and more prosperous future for all residents of the Southern Metro,” pahayag ng SPD Director. (Bhelle Gamboa)