Kongreso inatasan ni Pang. Marcos na tukuyin kung kailangan na bang amyendahan ang EPIRA Law

Kongreso inatasan ni Pang. Marcos na tukuyin kung kailangan na bang amyendahan ang EPIRA Law

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na pag-aralan muli ang EPIRA Law.

Sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) sinabi ng pangulo na pinag-aaralan ng gobyerno kung natutugunan pa ba ng nasabing batas ang pangangailangan at kapakanan ng mga consumer.

Partikular na tinutukoy ayon sa pangulo ay kung angkop pa ba ito sa kasalukuyang sitwasyon o kung napapanahon na bang ito ay amyendahan.

Hiling ng pangulo sa Kongreso, na isaalang-alang ang kapakanan ng mga Pilipino.

Aminado ang pangulo na sa taas ng presyo ng kuryente sa bansa, hirap ang mga negosyante at hirap din ang taumbayan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *