BREAKING: Pangulong Marcos iniutos ang pag-ban sa lahat ng POGO epektibo ngayong araw

BREAKING: Pangulong Marcos iniutos ang pag-ban sa lahat ng POGO epektibo ngayong araw

Simula ngayong araw ay bawal na ang lahat ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.

Inanunsyo ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA).

Ayon sa pangulo, malakas ang panawagan ng mamamayan laban sa operasyon ng POGO sa bansa.

“Effective today all POGOs are banned,” ayon sa pangulo.

Inatasan ng pangulo ang PAGCOR na ipatigil ang operasyon ng lahat ng POGO sa bansa.

Ayon sa pangulo mayroong hanggang katapusan ng taon ang PAGCOR para siguruhing wala ng POGO na matitirang nag-ooperate sa Pilipinas.

Samantala, inatasan naman ng pangulo ang Department of Labor and Employment (DOLE) at ang mga economic managers na hanapan ng trabaho ang mga manggagawa na maaapektuhan o mawawalan ng trabaho dahil sa pagpapahinto sa operasyon ng POGO. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *