Bagyong Carina lumakas pa, isa ng typhoon ayon sa PAGASA
Lalo pang lumakas ang bagyong Carina at ngayon ay nasa Typhoon category na.
Sa 5PM weather bulletin ng PAGASA, ang sentro ng Typhoon Carina ay huling namataan sa layong 420 kilometers East ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 120 kilometers bawar oras malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 150 kilometers bawat oras.
Kumikilos ito ng North Northeast.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa sumusunod na mga lugar:
– Batanes
– eastern portion of mainland Cagayan (Santa Ana, Gattaran, Baggao, PeƱablanca, Lal-Lo, Gonzaga)
– eastern portion of Babuyan Islands (Camiguin Is., Babuyan Is.)
– northeastern portion of Isabela (Divilacan, Palanan, Maconacon)
Sinabi ng PAGASA na ngayong araw hanggang bukas ng tanghali ay makararanas ng pag-ulan sa extreme northeastern portion ng mainland Cagayan, Babuyan Islands at sa eastern portions ng mainland Cagayan at Isabela.
Ang Southwest Monsoon na pinalalakas ng bagyo ay magdudulot din ng moderate to intense na pag-ulan sa western portion ng Luzon hanggang sa Miyerkules.
Magpapatuloy din ang maulan na panahon sa Zambales, Bataan, Aurora, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at Visayas.
Bukas, patuloy na uulanin ang Ilocos Region, Zambales, Bataan, Aurora, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, at Davao Region.
Inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo sa Miyerkules ng gabi o Huwebes ng umaga. (DDC)