NDRRMC nasa red alert status kasunod ng pananalasa ng bagyong Carina

NDRRMC nasa red alert status kasunod ng pananalasa ng bagyong Carina

Nagtaas ng red alert ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC kaugnay ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Carina at ng Habagat.

Sa ilalim ng red alert, lahat ng tauhan ng NDRRMC ay on duty 24/7 para tumugon sa kalamidad.

Ayon sa PAGASA, ang Bagyong Carina ay lalakas pa at aabot sa typhoon category.

Bagaman malayo ito sa landmass ng bansa, ang Habagat na pinalalakas ng bagyo ay magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa.

Nakatakdang lumabas ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Carina sa Miyerkules ng gabi o sa Huwebes ng umaga. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *