Brigada Eskwela sa Muntinlupa pinangunahan ni Mayor Biazon

Brigada Eskwela sa Muntinlupa pinangunahan ni Mayor Biazon

Pinangunahan ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang pagsisimula ng ‘Brigada Eskwela 2024’ sa lungsod ngayong Lunes, Hulyo 22.

Binisita ng alkalde ang mga paaralan sa lungsod kung saan isinagawa ang seremonya ng paglulunsad ng Brigada Eskwela at ang paglagda sa commitment wall.

“Sabi nga, it takes a village to raise a child. Para maisulong ang kapakanan ng kabataan, kinakailangang sama-sama tayong magtulungan,” ayon kay Biazon.

Sabay-sabay na nagsimula ang Brigada Eskwela sa 29 na public schools sa Muntinlupa na pinagtulungan ng Pamahalaang Lungsod, Schools Division Office, Parents-Teachers Association, Philippine National Police – Muntinlupa, AFP Reservists, 1Munti Party, at ang pribadong sektor.

Nagdonate ang Pamahalaang Lungsod ng cleaning supplies, habang pinangunahan ng City Health Department ang dengue prevention activities tulad ng fogging at search-and-destroy operations.

Nagsagawa rin ng paglilinis at paghahardin sa loob at labas ng paaralan, kasabay ng pagtutulungan sa pagpintura ng mga silid-aralan at pagkumpuni sa mga gamit.

Nilagdaaan naman ang Commitment Wall ng lahat ng nakiisa sa aktibidad.

Binigyang-diin ni Mayor Biazon ang kahalagahan ng patuloy na dedikasyon sa Brigada Eskwela, “Ang Brigada Eskwela, hindi dapat nalilimita sa opening ng classes. Ang hamon sa ‘tin, magsama-sama tayo para pangalagaan ang kabataan para maging mabubuting mamamayan.”

Prayoridad ng Muntinlupa ang edukasyon alinsunod sa 7K Agenda ni Mayor Biazon.

Ngayong taon, mahigit sa 80,000 na mag-aaral ang scholar ng Pamahalaang Lungsod.

Simula ngayong linggo, mamamahagi na ang Muntinlupa City ng school supplies at sapatos sa lahat ng mag-aaral ng mga pampublikong paaralan. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *