Pres. Joe Biden umatras sa 2024 US presidential race

Pres. Joe Biden umatras sa 2024 US presidential race

Nagpasya si US President Joe Biden na umtras sa gaganaping 2024 US Presidential race.

Sa kaniyang pahayag sinabi ni Biden na nais niyang pagtuunan na lamang ng pansin ang nalalabi niyang panahon sa panunungkulan bilang presidente ng Estados Unidos.

Kasabay nito ay sinabi ni Biden na nais niyang suportahan ang kandidatura ni US Vice President Kamala Harris sa pagka-presidente.

Sinabi ni Biden na ibibigay niya ang kaniyang buong suporta at pag-endorso kay Harris bilang nominee ng kanilang partido.

Sinabi ni Biden na isang malaking karangalan para sa kaniya ang magsilbi bilang presidente ng US.

“It has been the greatest honor of my life to serve as your President. And while it has been my intention to seek reelection, I believe it is in the best interest of my party and the country for me to stand down and to focus solely on fulfilling my duties as President for the remainder of my term,” ayon kay Biden.

Ang 81-anyos na si Biden ay kasalukuyang naka-isolate sa kanilang beach house sa Delaware matapos na magpositibo sa COVID-19. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *