Polisiya sa WPS dapat mapasama sa SONA ni Pang. Marcos ayon kay Sen. Tolentino

Polisiya sa WPS dapat mapasama sa SONA ni Pang. Marcos ayon kay Sen. Tolentino

Inaasahan na marinig bukas ni Senate Majority Leader Francis Tolentino sa ikatlong State of the Nation Address o SONA ng Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang polisiya sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea sa pagitan ng Pilipinas at China.

Dahil narin sa umiigting ang tensyon sa WPS nais na marinig ni Tolentino ang polisiya at plano ng pangulo na dapat na ipatupad.

Dapat na marinig din aniya ni Tolentino sa sona ng pangulo kung paano maiibsan ang pagkukulang sa supply sa agricultural products at ang hindi balanseng kinikita ng mga magsasaka matapos ang hagupit nitong nakaraang El Nino at napipintong paparating na El Nina na dapat na paghandaan palagi ng national government at Department of Agriculture.

Ito aniya ang dalawang bagay na nais mapakinggan ni Tolentino ngayong araw sa Sona ng pangulo na kapag kanyang marinig ay kampante na siya.

Ginawa ni Tolentino ang pahayag kasabay ng kanyang pagdalo bilang guest speaker sa Assembly ng Serbisyong Tama Kababaihan na ginanap sa Sta Cruz Sports Complex Gym sa lalawigan ng Laguna kung saan umabot sa 1,700 ang dumalo sa naturang okasyon.

Nagbigay din ng mensaheng inspirasyon ang senador sa Assembly ng mga Kababaihan na pinahalagahan nito ang karapatan at kakayahan ng bawat isa na dinaluhan naman ni Laguna Governor Ramil Hernandez. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *