Writ of execution na inisyu ng DHSUD “nawalan ng saysay” sa asosasyon sa isang exclusive village sa Parañaque City

Writ of execution na inisyu ng DHSUD “nawalan ng saysay” sa asosasyon sa isang exclusive village sa Parañaque City

Mistulang nawalan umano ng saysay ang inisyung writ of execution mula sa Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) na nilagdaan ni Atty. Norman Jacinto Doral na nagsasaad na kinikilala nila ang grupo ni Multinational Village Homeowners Association Inc. (MVHAI) Arnel Gacutan sa Parañaque City.

Ipinag-uutos din umano sa grupo ni Julio Templonuevo ang pagsurender sa mga records ng MVHAI katulad ng libro,talaan ng pondo, mga properties na pagmamay-ari at iba pang assets ng asosasyon.

Bagamat naisilbi ni DHSUD -NCR Enforcement Officer Santiago Undecimo, Jr ang writ of execution sa grupo ni Templonuevo ay hindi umano nila ito kinilala at sinasabing nagmatigas na manatili sa tanggapan ng naturabg asosasyon.

Nagkaroon din umano ng tensyon sa pagitan ng dalawang grupo na humantong sa sakitan sa pagitan ng mga guwardiya na nasa hurisdiksiyon ni Templonuevo at kampo ni Gacutan.

Kinukuwestiyon naman ng kampo ni Gacutan ang tila kawalan umano ng aksyon ng kapulisan sa lungsod sa insidente.

Sinasabing ang head ng security na sakop ni Templonuevo ay dating opisyal ng Paranaque City Police na umano’y sinasaluduhan pa ng mga pulis sa tuwing makikita ito.

Nanawagan si Gacutan sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na kumilos na upang maipatupad ang writ of execution at paalisin na sa puwesto si Templonuevo.

Giit pa ni Gacutan, na tila walang saysay ang kanilang hininging tulong sa PNP dahil hindi ito kumilos upang tuluyan na nilang mai-take over ang club house ng Multi-national Village lalo na’t mayroon na umanong pinal na desisyon ng Korte Suprema kasunod ng entry of judgement.

Binigyang-diin pa ni Gacutan na dapat ay hindi ang pulis ng Paranaque ang umalalay sa kanila sa pagpapatupad ng writ upang magkaroon ng katuparan ang naturang kautusan.

Humingi din ng paumanhin si Gacutan sa mga mamamayan ng komunidad sa patuloy na kaguluhang nililikha ng kabilang grupo.

Tiniyak ng kampo ni Gacutan na gagawin nila ang lahat ng legal na pamamaraan upang mabalik ang kaayusan at katahimikan sa kanilang pamahalaan . (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *