Globe nanawagan sa mga customer na labanan ang signal pollution
Nananawagan ang Globe sa mga customer na suportahan ang fair network use at labanan ang signal pollution para mapanatili ang kalidad ng network service para sa lahat.
Habang patuloy ang Globe sa pagpapalawak at pagpapahusay ng network coverage sa buong bansa, naaapektuhan naman ng mga hindi awtorisadong signal repeater ang kalidad ng network service.
Ang maling paggamit ng signal boosters ay nagiging sanhi ng putol-putol na tawag, malabong linya, robotic voice, at paghina o pagkawala ng signal sa mga lugar na malapit sa mga device na ito.
Ang pagbebenta, pagbili, pag-import, pagmamay-ari o paggamit ng portable cellular mobile repeaters at cell site equipment ay ipinagbabawal sa ilalim ng Memorandum Order No. 01-02-2013 ng NTC, alinsunod sa Public Telecommunications Policy Act.
Sa ilalim ng 2013 memo, tanging mga lisensyadong mobile network operators at mga ahensya ng gobyerno na may tungkuling may kinalaman sa national defense at security ang pinapayagang bumili, mag-import, mag-may-ari, at gumamit ng signal boosters.
Kung may problema sa pagtawag o pagpapadala ng SMS, maaaring gamitin ang Voice Over WiFi (VOWiFi) sa halip na bumili ng signal boosters.
Ang VOWiFi ay isang teknolohiya kung saan maaaring gamitin ang WiFi connection sa pagtawag. Walang karagdagang bayad sa paggamit ng serbisyong ito.
Para magamit ang VoWiFi, kailangan ng WiFi connection at isang device na may WiFi Calling capability. Pumunta lamang sa connectivity settings ng iyong mobile phone at i-activate ang “WiFi Calling.” Maaaring tingnan kung ang iyong device ay may ganitong feature sa pamamagitan ng listahang ito.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Globe, bisitahin ang http://www.globe.com.ph