Pag-iral ng gun ban para sa SONA ni Pang. Marcos tatagal na ng tatlong araw

Pag-iral ng gun ban para sa SONA ni Pang. Marcos tatagal na ng tatlong araw

Iiral sa loob ng tatlong araw ang gun ban sa Metro Manila para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) Secretariat magsisimula ng pag-iral ng gun ban 12:01 ng madaling araw ng Sabado (July 20) at tatagal hanggang alas 12:00 ng hatinggabi ng July 22.

Ang gun ban ay bahagi ng precautionary measure para matiyak ang seguridad sa SONA.

Una ng sinabi ng Philippine National Police (PNP) na magpapakalat ng 22,000 na pulis sa SONA.

Tiniyak din ng PNP ang pagpapairal ng maximum tolerance sa mga isasagawang kilos protesta sa araw ng SONA. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *