Ginang na nagbenta ng sanggol, arestado ng NBI sa Muntinlupa City
Inaresto ang isang ginang matapos itong magtangkang ibenta online ang isang bagong silang na sanggol sa halagang P25,000.
Nadakip ang babae sa ikinasang entrapment operation ng National Bureau of Investigation Human Trafficking Division (NBI-HTRAD) sa pakikipagugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DWSD), Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ng DOJ at ng Cyber-TIP Monitoring Center.
Unang nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad sa sa pagkakasangkot ng babae sa pagbebenta ng sanggol sa pamamagitan ng Facebook page.
Doon na nagsagawa ng intelligence gathering ang NBI at isang agent nito ang nagpanggap na bibili ng sanggol.
Nagpakilala ang suspek bilang midwife at inialok sa agent ang isang sanggol na anim na araw pa lamang ula ng isilang.
Sa Muntinlupa City nakipagkasundo na makipagkita ang babae kung saan agad siyang inaresto ng mga otoridad.
Ang sanggol ay dinala sa pangangalaga ng DSWD.
Mahaharap ang babae sa kasong paglabag sa R.A. No. 11862 o “Expanded Anti-Trafficking in Persons and Child Trafficking sa ilalim ng R.A. No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. (DDC)