Endangered Long-Tailed Macaque nasagip ng DENR sa Mandaluyong City
Nasagip ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isang Long-Tailed Macaque sa Mandaluyong City.
Ang unggoy ay walang karampatang documentation kaya kinuha ito g mga otoridad mula sa kaniyang tagapangalaga.
Dinala ito sa Wildlife Rescue Center para masuri at mapangalagaan bago ito ibalik sa kaniyang natural habitat.
Ang Long-Tailed Macaque ay nasa listahan na ng endangered species sa ilalim ng IUCN Red List of Threatened Species.
Sa ilalim ng RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001, mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatago o pag-aalaga ng kahalintulad na hayop na walang karampatang dokumento. (DDC)