3.7 million indigent senior citizens nakatanggap na ng kanilang social pension mula sa DSWD
Mahigit 3.7 million na indigent senior citizens sa buong bansa ang nakatanggap ng kanilang social pension mula January hanggang June, 2024.
Sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), umabot sa P21.8 billion ang halaga ng social pension na naipamahagi ng ahensya sa unang kalahating taon, at nakinabang dito ang 3,723,323 indigent senior citizens.
Ngayong taon din inumpisahan ng DSWD ang pamamahagi ng mas mataas na social pension na P1,000 mula sa dating P500.
Sa ilalim ng nasabing programa, ipinamamahagi ang social pensio kada semestre.
Nakatatanggap ang mga benepisyaryo ng P6,000 para sa anim na buwan nilang pensyon. (DDC)