4 na dayuhan na pugante sa Japan naaresto ng BI

4 na dayuhan na pugante sa Japan naaresto ng BI

Naaresto ng mga tauhan ng fugitive search unit ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na dayuhan na pawang wanted sa Japan.

Ayon kay BI fugitive search unit Rendel Ryan Sy unang nadakip ang tatlong suspek na kinilalang sina Ueda Koji, 27, Kiyohara Jun, 29, at Suzuki Seiji, 29 sa loob ng isang subdivision sa Paranaque City.

Dinakip ang tatlo sa bisa ng mission order na inisyu ni BI Commissioner Norman Tansingco makaraang makatanggap ng impormasyon mula sa Japanese government na sangkot sila sa krimen.

Ang tatlo ay mayroong outstanding warrants of arrest mula pa noong May 2024 sa kasong Fraud.

Samantala, iniulat din ni Sy ang pagkakaaresto kay Sawada Masaya, 39 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ang apat na dayuhan ay pawang founding members ng telecom fraud syndicate na naka-base sa Cambodia.

Nakatakdang ipatapon palabas ng bansa ang apat na dayuhan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *