Mahigit 1,300 na tauhan ng MMDA ide-deploy sa SONA ni Pang. Marcos sa July 22
Magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng traffic management plan para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes, July 22 sa Batasang Pambansa sa Quezon City.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes 1,329 na tauhan nila ang naatasang magmando ng vehicular at pedestrian traffic; tumulong sa emergency response; magsagawa ng troad at sidewalk clearing operations; tumulong sa crowd control; at magsagawa ng traffic monitoring.
Tiniyak naman ni Artes na 100 percent nang handa ang MMDA para sa SONA.
Magpapatupad din ang MMDA ng “no day off, no absent” policy sa kanilang mga tauhan sa nasabing petsa.
Ayon kay Artes, magkaakroon ng zipper lane sa southbound portions ng Commonwealth Avenue para bigyang-daan ang mga sasakyan ng government officials at guests patungo sa Batasang Pambansa Complex.
Ang Batasan-IBP Road ay isasara sa vehicular traffic mula alas 8:00 ng umaga bilang bahagi ng security measures.
Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta dahil sa inaasahang pagsisikip sa daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue. (DDC)