Cavite City isinailalim sa state of calamity
Isinailalim sa state of calamity ang Cavite City matapos ang sunog na naganap sa Brgy. 5 at 7 noong July 14.
Base sa rekomendasyon ni Cavite City Mayor Denver Reyes Chua at ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang deklarasyon ng state of calamity.
Ayon kay Chua, umabot sa 900 na pamilya ang naapektuhan ng sunog.
Ang mga nasunugan ay pansamantalang namamalagi sa Dalahican Elementary School at Sta. Cruz Elementary School.
Naglunsad na din ng donation drive ang City Government para sa mga nais na magpadala ng tulong.
Maaaring magpadala ng donasyon gaya ng canned goods, tubig, bigas, gamot, toiletries, hygiene kits, beddings at iba pa.
Ang mga donasyon ay maaaring dalhin sa Sta. Cruz Elementary School. (DDC)