Kaso ng dengue tumaas ng 30 percent ayon sa DOH
Patuloy na binabantayan ng Department of Health (DOH) ang kaso ng dengue ngayong panahon na ng tag-ulan.
Ayon sa DOH, hanggang noong June 29, 2024 nakapagtala ng 30% na pagtaas sa dengue cases.
Mula sa 6,323 cases noong May 19 hanggang June 1 ay nakapagtala ng 8,246 dengue cases mula June 2 hanggang June 15.
Simula Enero 2024, sinabi ng DOH na umabot na sa 90,119 na dengue cases ang naitala kung saan mayroong 233 na nasawi.
Ang nasabing bilang ng kaso ng dengue ay mas mataas ng 19% kumpara sa 75,968 na naitala sa parehong petsa noong nakaraang taon. (DDC)