Bilang ng mga naiprosesong registration para sa 2025 elections umabot na sa mahigit 4.5 million

Bilang ng mga naiprosesong registration para sa 2025 elections umabot na sa mahigit 4.5 million

Umabot na sa mahigit 4.5 million ang naiprosesong aplikasyon ng Commission on Elections (Comelec) para sa Voter Registration.

Ayon sa datos ng Comelec, umabot na sa 4,565,405 ang naiprosesong aplikasyon.

Sa nasabing bilang, pinakamarami ang sa Region 4-A na umabot na sa 768,899; kasunod ang NCR na umabot na sa 634,881.

Sa Region III ay nakapagtala na ng 534,782 na naiprosesong aplikasyon; 268,289 sa Region XI; 242,816 sa Region VII; at 221,247 sa Region X.

Nagsimula ang registration period noong Feb. 12 na tatagal hanggang Sept. 30, 2024. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *