DSWD namahagi ng P5.5M na halaga ng tulong sa mga pamilyang nasunugan sa Cavite City
Tumanggap ng relief assistance ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Cavite City.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) – CALABARZON, umabot sa P5.5 million na halaga ng tulong ang naipamahagi sa mga apektaong residente ng Barangay 5 at 7.
Kabilang sa ipinamahagi ang family food packs (FFPs), sleeping kits, family kits, at hygiene kits.
Sa pinakahuling datos ng DSWD – CALABARZON kabuuang 933 na pamilya o 3,732 na katao ang naapektuhan ng sunog at pansamantalang namamalagi sa temporary shelters. (DDC)