School supplies na nagtataglay ng nakalalasong kemikal, dapat alisin sa merkado

School supplies na nagtataglay ng nakalalasong kemikal, dapat alisin sa merkado

Sa nalalapit na pagbubukas ng klase, ikinabahala ng toxic watchdog group na BAN Toxics ang paglaganap ng mga school supplies na nagtataglay ng kemikal na delikado sa kalusugan ng mga bata.

Hinikayat ng grupo ang Food and Drug Administration (FDA) na ipag-utos ang mandatory recall sa mga nasbaing produkto para maprotektahan ang mga bata sa toxic exposure.

Kamakailan, nagsagawa ang BAN Toxics ng test-buys sa 12 school items, kabilang ang kiddie backpacks, water containers, lapis, pencil cases/pouches, pantasa, at iba pang gamit sa eskwelahan.

Ang nasabing mga gamit ay binili sa mga tindahan sa Maynila, Pasay, at Quezon City at saka isinailalim sa chemical analysis at product labeling review.

Sa ginawang screening ng grupo, nadiskubre na ang isa sa mga backpack ay nagtataglay ng ng nakalalasong lead na aabot sa 11,900 parts per million (ppm), habang 48,000 ppm naman ang water container.
Hindi rin kumpleto ang product information at warning labels ng mga school supplies.

Ayon kay Thony Dizon, Toxics Campaigner ng BAN Toxics, dapat agag magsagawa ang FDA ng sampling at testing sa mga school supplies na ibinebenta sa merkado lalo ngayong marami na ang namimili ng gamit ng mga estudyante. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *