Online systems ng DMW nabiktima ng ransomware attack
Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na nabiktima ng ransomware ang kanilang online systems.
Ayon sa DMW, agad nagsagawa ng pre-emptive measures ang kanilang Management Information Technology System para maprotektahan ang data at impormasyon ng mga OFW.
Dahil sa insidente, nag-offlone ang kanilang electronic o online systems na ginagamit sa pag-iisyu ng OECs/OFW Passes at OFW information sheets at iba pang online services.
Tiniyak naman ng DMW na ang kanilang mga database na naglalaman ng OFW data ay hindi naapektuhan ng pag-atake.
Nakikipag-ugnayan na din ang DMW sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para mai-restore restore ang online systems.
Sa mga OFWs na kukuha ng OECs/OFW Pass, maaaring magtungo sa DMW National Office, Regional Offices at extensions, One-stop Shops, at Migrant Workers Assistance Centers para sa manual processing.
Sa mga OFWs na kukuha ng information sheets, maaring magtungo sa DMW office o kaya ay mag-request ng information sheets via email. (DDC)