LPA magpapaulan sa Eastern Visayas, Caraga at Davao Region

LPA magpapaulan sa Eastern Visayas, Caraga at Davao Region

Makararanas ng pag-ulan ang ilang rehiyon sa bansa dahil sa epekto ng binabantayang Low Pressure Area ng PAGASA.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 310 kilometers East Northeast ng Davao City.

Ayon sa PAGASA, dahil sa nasabing LPA, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan sa Eastern Visayas, Caraga at Davao Region.

Samantala apektado naman ng Southwest Monsoon ang western sections ng Southern Luzon.

Posible ring makaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Palawan.

Samantala, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may isolated na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN, Cavite, Batangas, Bataan, at Occidental Mindoro. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *