P27M na halaga ng tulong naipamahagi na sa mga naapektuhan ng pagbaha at landslides sa Visayas at Mindanao

P27M na halaga ng tulong naipamahagi na sa mga naapektuhan ng pagbaha at landslides sa Visayas at Mindanao

Umabot na sa mahigit P27 million na halaga ng relief assistance ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan ng pagbaha at landslides sa Visayas at Mindanao.

Ang pagbaha at landslides ay epekto ng Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ) at Habagat.

Ayon sa DSWD, nagpapatuloy pa ang pagpapadala ng food at non-food items (FNIs) sa mga naapektuhang residente.

Sa P27 million na halaga ng tulong, P22.6 million dito ay ipinadala sa ITCZ-affected families habang P4.6 million naman na relief support ang naibigay sa mga naapektuhan ng ‘Habagat’,

Kabilang sa ibinigay na tulong ng DSWD ay family food packs (FFPs), non-food items, at financial assistance.

Sa datos ng Disaster Response Operations Management, Information, and Communication (DROMIC) mayroong 34,883 families o 174,173 na katao mula sa 176 barangays sa Regions 6, 9, 11, 12, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang naapektuhan ng ITCZ.

54,729 na pamilya naman o 265,806 na indibidwal ang naapektuhan ng ‘Habagat’ mula sa Regions 9, 12 at BARMM. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *