14 na Nigerian nationals na sangkot umano sa love scams, online scamming, at credit card fraud inaresto ng BI

14 na Nigerian nationals na sangkot umano sa love scams, online scamming, at credit card fraud inaresto ng BI

Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang 14 na Nigerian nationals na hinihinalang sangkot sa ibat’t ibang uri ng fraud activities.

Isinagawa ng BI intelligence operatives ang operasyon katuwang ang mga local law enforcement sa loob ng isang subdivision sa Las PiƱas City.

Ayon kayy BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr., dinakip ang mga dayuhan matapos matanggap ng ahensya ang impormasyon na nagsasangkot sa mga ito sa multiple fraudulent schemes.

Ayon kay Manahan, sangkot ang mga dayuhan sa love scams, online scamming, at credit card fraud.

Unang target ng operasyon ang dalawang dayuhan na sina Godswill Nnamdi Chukwu, 32, at Justin Chimezie Obi, 30.
Gayunman, nadatnan din sa lugar ang 12 pang Nigerians.

Natuklasan din na lahat ng 14 na Nigerians ay overstaying na sa bansa.

Dinala sila sa Camp Bagong Diwa sa Taguig habang ipinoproseso ang deportation proceedings laban sa kanila. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *