Edukasyon tututukan ni Sen. Bong Revilla at Congw. Lani Mercado-Revilla

Edukasyon tututukan ni Sen. Bong Revilla at Congw. Lani Mercado-Revilla

Tututukan ni Senator Bong Revilla JR. at Cavite Congw. Lani Mercado-Revilla ang Edukasyon dahil malaki ang maitutulong nito sa mga kabataang mag-aaral katuwang si Cong. Amben Amante ng San Pablo City, Laguna para lalo pang madagdagan ang mga gusali ng kanilang pamantasan sa nasabing lungsod.

Ginawa ang naturang pahayag sa kanyang pagbisita ngayong araw sa San Pablo City bilang kinatawan ni Senator Bong Revilla na siyang naging panauhing tagapagsalita sa pagtatapos ng mahigit 700 na mga mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng San Pablo ngayong araw ng Biyernes, July 12, 2024.

Kasabay nito, imumungkahi rin ni Revilla sa kongreso ang dagdag pondo para madagdagan ng gusali ang Pamantasan ng San Pablo City upang mas madami pa aniyang ma-accomodate na mga gustong mag-aral sa nasabing paaralan.

Sinabi ni Congw. Revilla na puspusan rin ang pagpapagaling ng kanyang asawa na si Senator Revilla para muling makaikot sa buong bansa upang makadaupang palad ang mga higit na nangangailangan na dala-dala nito ang mga programa at proyekto.

Dagdag pa ni Revilla, na susuportahan nila ang bagong kalihim ng edukasyon na si Sec. Sonny Angara upang mas titibay ang edukasyon sa Pilipinas dahil nauungusan na umano ito sa ibang bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *