La Niña alert inilabas ng PAGASA
Naglabas na ang PAGASA ng La Niña alert kasunod ng patuloy na paglamig ng sea surface temperature (SST) sa central at eastern Pacific Ocean.
Ayon sa PAGASA, batay sa kanilang monitoring, nasa 70 percent ang tyansa na magsisimula ng La Niña phenomenon sa August, September o October.
Maaari ding tumagal ito hanggang sa unang quarter ng 2025.
Sa ilalim ng pag-iral ng La Niña makararanas ang bansa ng above normal rainfall.
Maaari itong magdulot ng pagbaha at landslides. (DDC)