P110M na halaga ng tulong ipinamahagi sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng El Niño sa Aurora

P110M na halaga ng tulong ipinamahagi sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng El Niño sa Aurora

Aabot sa kabuuang P110 milyong ayuda ang ibinigay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng El Niño sa Aurora.

Ayon kay Pangulong Marcos, pagtupad ito sa pangako ng administrasyon na hindi pababayaan ang sektor ng agrikultura.

Kabuuang P10 million ang ipinamahagi sa 1,000 benepisyaryo sa idinao na ceremonial distribution ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk and Families sa Senator Edgardo Angara Convention Center sa Baler.

Ayon sa pangulo, tig P10,000 naman ang natanggap ng nasa 10,000 benepisyaryo ng AKAP program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nagbigay naman ng mga kagamitang pangsaka ang Department of Agriculture (DA), habang nag-abot ng tulong ang Department of Labor and Employment (DOLE), TESDA, at iba pang tanggapan ng gobyerno.

Nasa mahigit P360 milyong halaga ng agrikultura ang nasira sa Aurora dahil sa El Niño. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *